TANGLAW_TALA

KANLUNGAN

March 24, 20004

Galing ako sa isang maayos na pamilya. sa totoo lang, ako ang nanggugulo sa kanila. ang mama ko ay isang payak na government employee dati. swerte ako sa mama ko. regalo siya sa kin. sobrang gandang tao. inayawan na niya ulit ang bar exam dahil nung time na magte-test siya, sinugod ako at agaw-buhay sa ospital. seryoso, muntik na kong mamatay nung 4 pa lang ako. so yun, nakontento siya sa pwesto niya sa opisina. ok naman daw, sabi niya. pero kahit papano, pag naiisip ko minsan sana nagtest parin siya…may mabigat na feeling na naiwan sa kin ang pangyayaring yon. alam ko na wala pa kong call sa mga nangyayari, pero…naiintindihan mo ko di ba? kaya naman, nakatatak sa utak ko na darating ang panahon na makakabawi rin ako kay mama.gamit ang pawis at dugo ko, gaganti ako sa kanya. pangarap kong dalin siya sa pinapangarap niyang holy land…suntok sa buwan ngayon. pero pucha, dadalin ko siya dun!

si papa ay dating police colonel at lawyer in- one. astig na tao. matalino, tamang idol ng marami. gwapo, matikas matipuno at hanep. may political inclination, pero hindi niya pinursue ewan ko kung bakit. hindi kami gaanong close. pero lagi niyang sinasabi na paborito raw niya ko. anlabo… isang eksena lang ang lagi kong maaalala tungkol sa papa ko. eto yung time na medyo sinubukan kami at binawi sa min ang isang miyembro ng pamilya. si kuya…grade two ako nun. 25 si kuya. namatay siya yakap ang kanyang panaginip—sa pagkaka-idlip. tahimik at matiwasay. walang paghihirap pero walang kahit na anong pasabi. ala-sinco y medya ng madaling araw pero bukas lahat ng ilaw sa bahay. hindi pa tumitilaok ang manok eh nabulabog na kami sa masakit bat masamang balita…PAGPANAW… Si papa nung time na yun ay wala sa bahay. naka-destino sa ibang lugar. naka red alert ang maynila…isang tawag sa radyo ang nagbasag sa tenga niya. “Sir, emergency daw po sa bahay”. 30 minutes, pagbaba sa sasakyan, mula sa gate ay may isang pulis na naka-uniporme.bihis na bihis at diretso sa paglakad.may dignidad sa kabila ng pagtulo ng luha. pagdating niya sa pinto, “wala na si chester ko…” kasabay ang hikbi ng isang nasaktan na ama.kahit may baril sa sinturera ay wala paring laban sa hatol ng tadhana. umiyak na lang siya…kasabay naming lahat.

bakit ko nga ba to biglang naikwento? hindi ko rin alam…magbebente-dos na ko ngayon at tila nakakulong parin ang diwa ko sa maliliit na eksenang ipinamana sa kin ng dalawang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.malungkot, pero sa ganito ko sila naaalala. —sa pagiging magulang nila. at hindi madali yon lalo na’t sa paglipas ng panahon ay kakambal nating lahat ang pagtanda.lahat tayo umuusad;naghahanap ng sariling katuparan. paunti-unti at dahan-dahan.

gusto ko lang ilabas sa sistema ko ang mga halik at yakap na hindi ko na maibigay sa kanila ngayon. nagiging maramdamin na sila, at ayoko naman na mabahala pa sila sa isang araw na paglalambing ko. masyado ko silang sinanay sa problema at hindi ko talaga ginagawa to. Sa dalawang haligi at kanlungan ng pagkatao ko, itinatala ko ngayon, mahal ko po kayo.


To Tumblr, Love PixelUnion