DAGASA AKO SA HAGDAN KANINA
April 18, 2004
Pucha, nalaglag ako sa hagdan kanina.4 na baytang!!!
masakit!
lesson: Huwag magsusuot ng malaking tsinelas pag nagmamadaling bumaba dahil lang sa isang tawag sa telepono ng crush mo…
oo na!!!tanga na kung tanga!!!
anyway, nakalimutan kong ikwento to…nung isang araw, ginising ako ng badtrip na tunog ng doorbell. ako ang mayor sa bahay nitong mga huling araw.so, ako ang nag-iinit ng pangkape ko, naghuhugas ng pinggan KO,naglilinis ng kwarto KO, at gumagastos sa bahay KO, kasama na diyan ang pagsagot ng telepono at doorbell…
nasa wonderland pa sana ko, ng biglang sumigaw ang doorbell.hanep! “sinong impaktong istorbo to?”…labas ako.nagkukusot pa ng mata at medyo may mga guhit-guhit pa ng marka ng unan sa mukha.”Goodmoring neng.” Oo tama ang narinig nyo…Tinawag akong neng…”ako si _______, ikaw, anong pangalan mo?” “ho, bakit ho?”—-gumalang pag kausap ang matanda.”May gusto sana kaming i-share sa yong mga bersikulo sa bibliya…Nakilala mo na ba ang tagapagligtas?”—-napangiti ako…sabi ko sa sarili ko, “Eto na eh…tamang goodmoring nikki”.
nagpa-uto ako ng sandali. pucha, alam kong hindi biro ang maglakad at maghanap ng taong makikinig sa kanila.mga 30 minutes naming pinag-usapan si Jehovah (ang kanilang tagapagligtas).nakinig ako, nagkomento, nag-explika at nagpa-intindi…sinabi ko na baka nga makasalanan ako at baka nga sinusunog na ngayon pa lang ang kaluluwa ko sa impyerno.inamin ko na naghahanap ako ng sarili—-at ng diyos.nag-give-in ako kahit panandalian.naisip ko, “sinimulan nyo ko eh…” so yun, after mga 15 minutes, feeling ko naantig sila sa pagkarebelde ko. sa pagiging pagano ko at pagiging agnostic.lalo silang nagkaroon ng drive para i-push sa kin ang Jehovah nila.nagsimula na kong mapraning.sinabi ko na ang piyesa ko…”sinusubukan ko pong basahin ang tungkol Bhuddism.” clincher: NAPIKON SILA!!! “naku, ne…bakit naman?naku, huwag yan!mali yan ekekekek.”napikon narin ako, pero may galang parin.sabi ko, “Lax lang po tayo.alam ko po na iba-iba ang pinagdadaanan nating lahat.bata pa po ako,at hindi ko naman sinasabi na dito na ko magsesettle…pero gaya po ninyo, alam kong importante ang pagiging spiritual ng isang tao.huwag po kayong mag-alala, naghahanap po ako.” natigilan sila, hindi ko alam kung bakit.
bilang regalo, binigyan nila ko ng mga reading materials.nag-iwan pa nga ng cellphone number.itext ko daw sila pag nalilito na ko.—-na hindi naman talaga malabo, kasi lagi akong lito…hehe
Nagpabaon ako ng chocolate(maraming kisses sa bahay, dala ng pinsan kong balikbayan).hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, ang pinakamalapit sigurong dahilan eh peace offering…alam kong medyo hassle nga naman na maka-encounter ng isang batang tulad ko, lalo na kung relihiyon ang subject.hindi naman ako mahilig sa debate, pero the thing is…-marami akong tanong…pakiramdam ko eh nag-enjoy sila kakasagot.medyo enthusiastic sila nung una.pero, mukhang natrapp kami sa isang magkaparehong kweba…—dahil lito pala kaming tatlo. astig…
Nung umalis sila, iniwan ko yung reading material sa study table ko.babasahin ko nga minsan…narealize ko lang, na sa praktikal na pamumuhay natin,hindi mahalaga ang relihiyon.mas importante ang pagiging makatao at respeto sa paniniwala ng iba.ang pagiging spiritual ay isang personal na problema, at dapat sana ay hinahanap ng mag-isa.walang tulakan, walang hatakan, dahil tayo mismo ang magdedesisyon kung saan tayo pupunta.lahat tayo ay makakarating don balang araw.paghihintay lang ang kailangan.akay mo dapat ang sarili mo…
maikli lang ang paalam.nagpasalamat ako sa kanila at bumati ng kyut na kyut na “gudmorning ho, ingat po kayo…” nag thank you din sila.mukhang bati na kami…sana lang hindi nila makalimutang kainin yung kisses bago malusaw sa init ng nagagalit na haring araw…
di na ko nakabalik sa tulog pagkatapos nun.
naligo ako, nagkape, nagyosi at nagpinta…
sabi ko sa sarili ko…”Napakagandang UMAGA”.