BATCH 1999 SJC LAGING NASA HULI ANG PAGSISISI
Binisita ako ng isang high school classmate nung isang araw. Kamustahan atbp.
Well, hindi ko natiis ang katahimikang binigay ng kanyang paninigarilyo at pagtitig sa mga pyesa ko sa kwarto. Kinuha ko na ang yearbook, at nagsimula akong magtanong tungkol sa mga nawawalang kaibigan na tila yata—-naiwanan namin sa mga rehas ng malapreso naming eskwelahan. “Nasan na kaya sila?” —-ang tanong ng aking mahiyaing mga salita…pero sa loob loob ko, “May nangyari na kaya sa mga buhay nila?”…
Sa lahat ng eskwelahan, sabi ni Bob Ong ay may mga tinatawag na mga “SPICE GIRLS” at “Anak ni Rizal”… ang mga spice girls daw ay ang mga natatanging estudyante na POWDER at suklay ang laman ng bag. Sila rin ang pumapatak na mga crush ng bayan…(nasuka ako sa sinabi ko) anyway… at ang mga anak ni rizal naman ang mga studious pero may panahon parin para sa mga importanteng bisyo tulad ng pag-inom at pagmamariwana…(wooooahhhh) GAGO!!! o sige ulitin natin para sa mga konserbatibo, ang mga anak ni rizal ay ang mga studious pero rock n roll pa rin…ehem…
60% ng mga estudyante sa yearbook ay patay na…noon pa. mga living zombies ng batch namin at nagmimistulang mga halimaw sa banga. Glory nila ang Linggo ng Wika at teacher’s week…—-maliban don ay wala na…sama-sama sa bracket na ito ang mga losers na nahuhulog sa hagdan at nanginginig pag may practical test sa PE…Natirang mga litrato na lang ang mga mukha nila, walang bahid ng pagiging mga liberal na dalaga dahil hanggang ngayon ay bata pa… namimiss ko sila dahil sila ang naging resbak ng character ko nung high school. sila ang mga pinapa-iyak ng barkada kong sila Jenny. Sila ang nagsusumbong sa faculty na may kodigo si Candice, at nagkakalat ng balitang fininger na ganito si ganito—-na nagkataon naman na bestfriend ko…wala silang finormulate na tsismis tungkol sa kin dahil siguro—-ewan…bakit nga ba? ah, dahil siguro alam ko ang darkest secrets nila…Na kumakain sila ng panis na sandwich kaya sila may putok!!!haha
pero yun…ganon…matagal na yun…
sigurado akong ang ilan sa kanila ay gumagawa na ngayon ng nukes para sa mga terorista—-makaganti lang samin.
ganon katindi ang mga utak nila, at ganyan ka-understanding ang puso ko dahil naiintindihan kong naging bangungot nila ang high school dahil sa min.
lax lang ako, bahala na…patay kung patay…hahahahha
isang ala-ala ang ginising sa kin nung lunes…isang memoryang hindi ko na binigyan pa ng pagkakataong pag-isipan dahil akala ko ay tapos na. ayoko ng alalahanin ang high school—-SANA. pero parte yan ng pagtanda ko. yun ang peak ng mga naghahabulang libido namin, kung magiging good citizens ba kami o mananatiling mga pabigat sa lipunan…walang nangyari sa kin, hanggang ngayon. sa reunion ay wala akong maikukuwentong kompanya, anak at asawa…sa mga taon na lumipas, natutunan ko lang ang sining ng pananahimik, pagka-usap sa sarili habang may mga kaibigang nagtatagumpay sa laban ng buhay. natutunan kong maging masaya para sa kanila… at higit sa lahat, natutunan kong maging masaya kasama ang bagong mga paniniwala.
humihingi ako ng dispensa sa mga kabatch kong natisod at nadulas sa makulit na mga power trip ng barkada ko nung high school. Ngayon,aileen (balagoong) bulaong, at booooom box leilani del rosario—- alam ko na ang kahulugan ng kahihiyan… Dispensa…