TANGLAW_TALA


NOSEBLEED

Isang YM conversation with Yagi Olaguera. isang Writer at kaibigan… Litong-lito ako kung bakit sa 3 araw na paghahanap ko, eh wala parin akong makita na blog na nakasulat sa wikang Filipino… Namatay na nga ba sa nosebleed ang mga Pinoy?

nikki
nakaka nose bleed na masyado mag english
yagi olaguera

nikki
3 gabi na ko naghahanap ng pwede kong i-follow (SUNDAN)
hehehehehe
yagi olaguera

nikki
wala akong makita.
blog na nga lang, english pa…
nakakasakit ng ulo!
hehehehhehehehe
sino nga yung writer na kaibigan ni tebs dati?

yagi olaguera
Hahaha.
Si Yol!
Yol Jamendang

nikki
di ba, tagalog yun?

yagi olaguera
Pero di na ata siya nagbloblog e.
akisiyol.blogspot.com ata yon.

nikki
so si tanglaw_tala na lang ang natira???

yagi olaguera

Hahaha
Kilala mo si Owel?

nikki
hindi, sino yun?

yagi olaguera
Taga Ang Bandang Shirley?
Tagalog dati mag blog yon pero wala na.

nikki
ano ba yan!
puro masamang balita…

yagi olaguera
Haha. Magtatanong-tanong nga ako.

nikki
sige nga…
alang-alang sa kin…

nikki
ah, alam ko na…
si cristy fermin kaya may blog???

yagi olaguera
Hahaha
Di ko lang alam

nikki
hahahhahahahhaha
yagi olaguera
Baka may twitter siya
Labo

nikki
sinuggest nga siya sa kin ng facebook bilang friend eh…matagal ko nang pinag-iisipan kung papatulan ko siyang i-add…


nikki

or si ruffa mae…


yagi olaguera
Kung may blog siya susundan ko siya  Nakakatawa yon e.

nikki
oo nga. hanapin ko nga.
hahahhahaha
napakahirap pala nito, para kong sumusuntok sa buwan…

yagi olaguera
Haha. Bakit?

nikki
yung mga di magaling mag-english, ayaw magsulat…

yagi olaguera hahhaha

nikki
nakakapgtaka, di ba???

yagi olaguera
Actually. Oo. Dapat mas maraming tagalog na blog.

nikki
pag kinakausap mo ba ang sarili mo sa isip mo yags, ENGLISH?

yagi olaguera
Haha. Actually ako English
English kami dati sa bahay
Actually yung nanay ko.
At lumaki ako sa Sesame Street  Wala din akong kapitbahay so kaibigan ko puro libro

nikki
so pag natatapilok ka, anong sinasabi mo?

yagi olaguera
Shit o fuck. Pero minsan puta
Actually 50/50
Pero pag oral exam yari ako palagi pag tagalog.
4 ang philo class ko nung college. Yung grade ko sa dalawang tagalog ko na klase D
Yung grade ko din sa English A at B
D ako dahil bumabagsak ako palagi pag oral exam

nikki
ganon?
ako parang, sampal sa pagkatao ko dati pag mas mababa sa 85 grade ko sa Filipino…


yagi olaguera hahahhaha

nikki
Di naman ako magaling sa math eh, nakakasulat naman ako sa english, pero pag oral, nanginginig na ko…
hahahhahaha

yagi olaguera
Ako ganon pag tagalog.
Kung kaya pag-isipan kaya naman.
Or kung conversational lang.
Pero pagmalaliman na. Patay na  Nag tratranslate na ako sa utak ko.

nikki
Talaga?
pero bakit ganon noh?
Kung may mga taong nakikinig sa conversation natin ngayon, hahanga parin sila sa yo…
Kahit aminado ka na olats ka magtagalog…

yagi olaguera
Haha. Bakit naman?


nikki
tapos bababa tingin nila sakin na para kong nakakalunok ng palaka pag oral english ang usapan.


yagi olaguera
Wala akong  magagawa  Ganon talaga yung nakagisnan e  Burgis nga daw e.


nikki
pero ang nakakatawa dun, mas marami ang HINDI burgis…


yagi olaguera
Haha. Depende na lang kung sino.


nikki
at mas marami ang jologs

yagi olaguera
Pero oo nga.

nikki
bakit hindi nila pagtawanan mga sarili nila.

yagi olaguera
Usually ang iniisip ng tao kung magaling ka mag-English edukado ka o may breeding ka.
Pero di naman yun totoo.
Masyadong colonial nga yung pag-iisip.
Kaya ko sinubukan mag Philosophy sa Tagalog  Nahiya ako sa sarili ko. Haha.

nikki
ano nangyari?

yagi olaguera
Bagsak nga ako palagi sa orals

nikki
hahahahaha


yagi olaguera
So nung nag-aral ako uli di na ako nag tagalog na Philo


nikki
Kayang kaya ko siguro yun…
hahahahhaha


yagi olaguera
Haha. Malamang nga


nikki
ipopost ko ‘tong conversation natin sa blog ko ha…

yagi olaguera
Haha. Sige. OK lang


nikki

hehehehehe
alam mo ba…
ngayon ko lang narealize, sa tagal tagal…
na sobrang powerful ng blog…
nahuhook ako sa blog ng ibang tao, kaya naisip kong ituloy yung blog ko…
binasa ko last week yung blog ko sa LJ.


yagi olaguera

Sino ba binabasa mo recently?

nikki
si chuvaness
lol

yagi olaguera hahahahha
Ang tagal ko na hindi nagcheck ng LJ

nikki
wala nang tao sa LJ yags…
last week, binisita ko yung blog ko.

yagi olaguera
Oo nga. Ako din wala na nga don e

nikki
inaamag na…
ang lungkot nung pakiramdam, feeling ko sundalo ako na bumalik sa baryo, tapos patay na yung mga kapitbahay ko…

yagi olaguera
Hahaha. Magandang analogy yan.
Ako naman pinanood ko siyan mamatay.
Kaya wala na dina ko.
Umalis na lang lahat ng tao.

nikki
yun nga eh…
Tapos, parang nakakainis, kasi kung kelan may gana na ulit ako magsulat, tsaka nawalan ng tao…
Parang ako yung huling nag-impake at umalis…

yagi olaguera
Mag Wordpress ka na or Blogger.

nikki
nag tumblr ako

yagi olaguera
Haha.

nikki
pero kawawa yung mga entries ko dati…


yagi olaguera
Medyo weird sa Tumblr.
Lumipat din akong tumblr e.
Pero hindi nagsusulat ang mga tao don.
Nagpopost lang ng mga picture ng aso at cupcake

nikki
hahahhahahha oo nga…


yagi olaguera
At mga jpeg ng mga kung anuanong nakasulat.
Ano tumblr mo?
Nasa tumblr din ako
Pero nakakabobo din siya

nikki
tanglaw_tala parin…
nikki abaya

yagi olaguera
Sige. Add kita
nikki
add mo ko, parang-awa mo na

yagi olaguera
Yep


nikki
sana hindi mo lang ako i-add
sana BASAHIN MO RIN yung entries ko
hahahhahahaha




KANLUNGAN

March 24, 20004

Galing ako sa isang maayos na pamilya. sa totoo lang, ako ang nanggugulo sa kanila. ang mama ko ay isang payak na government employee dati. swerte ako sa mama ko. regalo siya sa kin. sobrang gandang tao. inayawan na niya ulit ang bar exam dahil nung time na magte-test siya, sinugod ako at agaw-buhay sa ospital. seryoso, muntik na kong mamatay nung 4 pa lang ako. so yun, nakontento siya sa pwesto niya sa opisina. ok naman daw, sabi niya. pero kahit papano, pag naiisip ko minsan sana nagtest parin siya…may mabigat na feeling na naiwan sa kin ang pangyayaring yon. alam ko na wala pa kong call sa mga nangyayari, pero…naiintindihan mo ko di ba? kaya naman, nakatatak sa utak ko na darating ang panahon na makakabawi rin ako kay mama.gamit ang pawis at dugo ko, gaganti ako sa kanya. pangarap kong dalin siya sa pinapangarap niyang holy land…suntok sa buwan ngayon. pero pucha, dadalin ko siya dun!

si papa ay dating police colonel at lawyer in- one. astig na tao. matalino, tamang idol ng marami. gwapo, matikas matipuno at hanep. may political inclination, pero hindi niya pinursue ewan ko kung bakit. hindi kami gaanong close. pero lagi niyang sinasabi na paborito raw niya ko. anlabo… isang eksena lang ang lagi kong maaalala tungkol sa papa ko. eto yung time na medyo sinubukan kami at binawi sa min ang isang miyembro ng pamilya. si kuya…grade two ako nun. 25 si kuya. namatay siya yakap ang kanyang panaginip—sa pagkaka-idlip. tahimik at matiwasay. walang paghihirap pero walang kahit na anong pasabi. ala-sinco y medya ng madaling araw pero bukas lahat ng ilaw sa bahay. hindi pa tumitilaok ang manok eh nabulabog na kami sa masakit bat masamang balita…PAGPANAW… Si papa nung time na yun ay wala sa bahay. naka-destino sa ibang lugar. naka red alert ang maynila…isang tawag sa radyo ang nagbasag sa tenga niya. “Sir, emergency daw po sa bahay”. 30 minutes, pagbaba sa sasakyan, mula sa gate ay may isang pulis na naka-uniporme.bihis na bihis at diretso sa paglakad.may dignidad sa kabila ng pagtulo ng luha. pagdating niya sa pinto, “wala na si chester ko…” kasabay ang hikbi ng isang nasaktan na ama.kahit may baril sa sinturera ay wala paring laban sa hatol ng tadhana. umiyak na lang siya…kasabay naming lahat.

bakit ko nga ba to biglang naikwento? hindi ko rin alam…magbebente-dos na ko ngayon at tila nakakulong parin ang diwa ko sa maliliit na eksenang ipinamana sa kin ng dalawang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.malungkot, pero sa ganito ko sila naaalala. —sa pagiging magulang nila. at hindi madali yon lalo na’t sa paglipas ng panahon ay kakambal nating lahat ang pagtanda.lahat tayo umuusad;naghahanap ng sariling katuparan. paunti-unti at dahan-dahan.

gusto ko lang ilabas sa sistema ko ang mga halik at yakap na hindi ko na maibigay sa kanila ngayon. nagiging maramdamin na sila, at ayoko naman na mabahala pa sila sa isang araw na paglalambing ko. masyado ko silang sinanay sa problema at hindi ko talaga ginagawa to. Sa dalawang haligi at kanlungan ng pagkatao ko, itinatala ko ngayon, mahal ko po kayo.


Pag tinakasan ka ng sarili mo, kahit panandalian ay siguradong maipapa-alala parin niyang babalik siya…

Ito yung mga bilang na oras kung kailan kailangang bumitaw ka. Tikman mo na lang, hanggat kaya mo…Hanggat nandiyan pa. O kahit ngayong wala pa.

– TANGLAW_TALA April 17, 2004

DAGASA AKO SA HAGDAN KANINA

April 18, 2004

Pucha, nalaglag ako sa hagdan kanina.4 na baytang!!!
masakit!
lesson: Huwag magsusuot ng malaking tsinelas pag nagmamadaling bumaba dahil lang sa isang tawag sa telepono ng crush mo…

oo na!!!tanga na kung tanga!!!

anyway, nakalimutan kong ikwento to…nung isang araw, ginising ako ng badtrip na tunog ng doorbell. ako ang mayor sa bahay nitong mga huling araw.so, ako ang nag-iinit ng pangkape ko, naghuhugas ng pinggan KO,naglilinis ng kwarto KO, at gumagastos sa bahay KO, kasama na diyan ang pagsagot ng telepono at doorbell…

nasa wonderland pa sana ko, ng biglang sumigaw ang doorbell.hanep! “sinong impaktong istorbo to?”…labas ako.nagkukusot pa ng mata at medyo may mga guhit-guhit pa ng marka ng unan sa mukha.”Goodmoring neng.” Oo tama ang narinig nyo…Tinawag akong neng…”ako si _______, ikaw, anong pangalan mo?” “ho, bakit ho?”—-gumalang pag kausap ang matanda.”May gusto sana kaming i-share sa yong mga bersikulo sa bibliya…Nakilala mo na ba ang tagapagligtas?”—-napangiti ako…sabi ko sa sarili ko, “Eto na eh…tamang goodmoring nikki”.

nagpa-uto ako ng sandali. pucha, alam kong hindi biro ang maglakad at maghanap ng taong makikinig sa kanila.mga 30 minutes naming pinag-usapan si Jehovah (ang kanilang tagapagligtas).nakinig ako, nagkomento, nag-explika at nagpa-intindi…sinabi ko na baka nga makasalanan ako at baka nga sinusunog na ngayon pa lang ang kaluluwa ko sa impyerno.inamin ko na naghahanap ako ng sarili—-at ng diyos.nag-give-in ako kahit panandalian.naisip ko, “sinimulan nyo ko eh…” so yun, after mga 15 minutes, feeling ko naantig sila sa pagkarebelde ko. sa pagiging pagano ko at pagiging agnostic.lalo silang nagkaroon ng drive para i-push sa kin ang Jehovah nila.nagsimula na kong mapraning.sinabi ko na ang piyesa ko…”sinusubukan ko pong basahin ang tungkol Bhuddism.” clincher: NAPIKON SILA!!! “naku, ne…bakit naman?naku, huwag yan!mali yan ekekekek.”napikon narin ako, pero may galang parin.sabi ko, “Lax lang po tayo.alam ko po na iba-iba ang pinagdadaanan nating lahat.bata pa po ako,at hindi ko naman sinasabi na dito na ko magsesettle…pero gaya po ninyo, alam kong importante ang pagiging spiritual ng isang tao.huwag po kayong mag-alala, naghahanap po ako.” natigilan sila, hindi ko alam kung bakit.

bilang regalo, binigyan nila ko ng mga reading materials.nag-iwan pa nga ng cellphone number.itext ko daw sila pag nalilito na ko.—-na hindi naman talaga malabo, kasi lagi akong lito…hehe

Nagpabaon ako ng chocolate(maraming kisses sa bahay, dala ng pinsan kong balikbayan).hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, ang pinakamalapit sigurong dahilan eh peace offering…alam kong medyo hassle nga naman na maka-encounter ng isang batang tulad ko, lalo na kung relihiyon ang subject.hindi naman ako mahilig sa debate, pero the thing is…-marami akong tanong…pakiramdam ko eh nag-enjoy sila kakasagot.medyo enthusiastic sila nung una.pero, mukhang natrapp kami sa isang magkaparehong kweba…—dahil lito pala kaming tatlo. astig…

Nung umalis sila, iniwan ko yung reading material sa study table ko.babasahin ko nga minsan…narealize ko lang, na sa praktikal na pamumuhay natin,hindi mahalaga ang relihiyon.mas importante ang pagiging makatao at respeto sa paniniwala ng iba.ang pagiging spiritual ay isang personal na problema, at dapat sana ay hinahanap ng mag-isa.walang tulakan, walang hatakan, dahil tayo mismo ang magdedesisyon kung saan tayo pupunta.lahat tayo ay makakarating don balang araw.paghihintay lang ang kailangan.akay mo dapat ang sarili mo…

maikli lang ang paalam.nagpasalamat ako sa kanila at bumati ng kyut na kyut na “gudmorning ho, ingat po kayo…” nag thank you din sila.mukhang bati na kami…sana lang hindi nila makalimutang kainin yung kisses bago malusaw sa init ng nagagalit na haring araw…

di na ko nakabalik sa tulog pagkatapos nun.
naligo ako, nagkape, nagyosi at nagpinta…
sabi ko sa sarili ko…”Napakagandang UMAGA”.


MAHABA PERO SANA BASAHIN NIYO

June 14, 2004

May mga sinasabi silang kabullshitan tungkol sa panaginip.Sobrang dami. Alin nga ba dun ang totoo? Hindi ko alam. Dpat pa bang tanungin? Hindi ba’t mas masarap nalang matulog ng tahimik, managinip, at gumising kinabukasan. Tama na yung mga pag-aanalyze na yan. Magnilay na lang tayo pare-pareho, tapos magpasalamat na nagising pa tayo, di ba?

Ang mga panaginip ko ay sarili kong mga short films. Astig, dahil ako lagi ang bida.Isipin mo, gabi-gabi laging may bago.Walang shooting, at di pa kailangan ng editing. Ang pinakamasarap ay laging may naiiwan na meaning. Personal at hanging ang ending. Ako at ikaw ang laging may call kung pano matatapos ang eksena. Pero duwag ang tao…walang ibang alam sabihin kundi, “CUT”.

Pira-piraso ang naiiwan sa kin pagdating ng umaga. Tamang choice cuts. Pero ilang tao nga ba ang nag-iisip pa at gumugulong sa kama para lang alalahanin ang huling panaginip nila? Gising- ligo dahil baka mahuli sa klase o sa opisina…Sayang ang panaginip, hindi nadigest ng husto. Hindi nagamit ang chansa para makatikim ng konting hiwaga.

Sagrado para sa kin ang mga panaginip ko. Award Winning at pang-oscars kung iisipin.Madalas mangyari sa kin nitong mga huling araw ang tinatawag kong “AWAKENING”. -Sa sobrang intense ng panaginip ko, ay hanggang sa reyalidad—napapa-iyak ako…Masarap na almusal ang pag-iyak.Lalo na kung hindi dahil sa pera o sa pu****nang pag-ibig…Masarap iyakan ang pagkalito, ang pagkawala sa sarili, ang pagka lost in translation…Yung tipong hindi mo alam kung bakit ka umiiyak, pero……masarap lang.

Nung June7, nanaginip ako. Napanaginipan ko si KRISTO. Nakatayo daw siya, at pinapalapit pa ko sa tabi niya. Ewan ko kung pano ko nakuha yung idea na pinapalapit niya ko. Hindi naman kasi siya nag-sasalita…Silent movie, ang isang to… Hypnotized ako nung mga oras na yun.Wala akong ibang magawa kundi ang lumapit. So yun… Kinuha niya yung kanang kamay ko, at pinahawak sa kin ang mga sugat niya. Dito sa eksenang to, nagsimula na kong umiyak…Alam kong nakatingin siya sa kin, pero ayoko siyang tingnan. Siguro ay dahil na rin sa hiya. Karamihan ng mga sugat na yun ay ayaw kong paniwalaan nung una, pero…pero pano ngayong nahahawakan ko na sila…
May isang malaking sugat sa may ilalim ng kanyang left rib.Malalim. Nung hinawakan ko yun ay…basta!pakiramdam ko ay namatay ako…Naniwala na lang ako. Ito yung isang panaginip siguro na kahit na anong relihiyon mo, ke muslim ka o katoliko, Buddhist o pagano—-maniniwala ka na lang. Mapapa-iyak ka na lang, mapapa-amo ka parang isang tupa…Iiyak ka nalang at mahihiya…Pagkatapos nun, naCUT ang eksena pero alam kong hindi ako ang sumigaw. Baka SIYA…

Umaga na pala.Bagong umaga. Nabigyan ako ng konti pang pagkakataon para isipin at himayin ang mga huling hibla ng panaginip ko. Yakap sa unan, at konting hatak pa sa kumot…Ang tanda- tanda ko na para sa ganito.Pero hindi rin! …dahil sa panaginip na to ay SANGGOL ako ulit. Rebirth.

Baduy, korni, senti, cliche,pucha bahala na kayo.Ang masasabi ko lang ay dahil sa panaginip na yun ay biglang nabigyan ng kahulugan yung iba pang panaginip ko…Kung bakit hindi ko makita ang sarili ko sa salamin, kung bakit hindi ko mahanap ang direksyon ko pauwi, kung bakit ako ganito ngayon.

Dahil sa panaginip ko nung June7, nalaman ko, at natutunan ko na ang panaginip ay hindi pala basta short film lang. Sila ay magagandang eksena na hindi maisplika ng utak ng tao. Hindi lohikal at teknikal. Hindi sila pambusog ng mata at utak. Pagkain sila ng kaluluwa ng tao… Naka-ayon sa ating pangangailangan. Hindi sa kung anong dapat nating malaman, pero sa kung anong dapat ay naiintindihan…


Mahirap sabihin at basta na lang ikwento ang tungkol kay Luna. Isang kaibigan na may personal at ‘spesyal na kaugnayan sa kin. Nakilala ko siya nung bata pa ko. Nakalimutan at napabayan nitong mga huling taon, ngunit ngayon ay nagbalik na siya. kagabi ay kinausap niya ko. Niyakap, hinagkan at pinatahan. Hindi ko na raw kailangang makalimot dahil hindi na siya bibitaw…Ibinalik na niya sa kin ang aking kanlungan. Ang buwan…

– TANGLAW_TALA September 30, 2004

BATCH 1999 SJC LAGING NASA HULI ANG PAGSISISI

Binisita ako ng isang high school classmate nung isang araw. Kamustahan atbp.

Well, hindi ko natiis ang katahimikang binigay ng kanyang paninigarilyo at pagtitig sa mga pyesa ko sa kwarto. Kinuha ko na ang yearbook, at nagsimula akong magtanong tungkol sa mga nawawalang kaibigan na tila yata—-naiwanan namin sa mga rehas ng malapreso naming eskwelahan. “Nasan na kaya sila?” —-ang tanong ng aking mahiyaing mga salita…pero sa loob loob ko, “May nangyari na kaya sa mga buhay nila?”…

Sa lahat ng eskwelahan, sabi ni Bob Ong ay may mga tinatawag na mga “SPICE GIRLS” at “Anak ni Rizal”… ang mga spice girls daw ay ang mga natatanging estudyante na POWDER at suklay ang laman ng bag. Sila rin ang pumapatak na mga crush ng bayan…(nasuka ako sa sinabi ko) anyway… at ang mga anak ni rizal naman ang mga studious pero may panahon parin para sa mga importanteng bisyo tulad ng pag-inom at pagmamariwana…(wooooahhhh) GAGO!!! o sige ulitin natin para sa mga konserbatibo, ang mga anak ni rizal ay ang mga studious pero rock n roll pa rin…ehem…

60% ng mga estudyante sa yearbook ay patay na…noon pa. mga living zombies ng batch namin at nagmimistulang mga halimaw sa banga. Glory nila ang Linggo ng Wika at teacher’s week…—-maliban don ay wala na…sama-sama sa bracket na ito ang mga losers na nahuhulog sa hagdan at nanginginig pag may practical test sa PE…Natirang mga litrato na lang ang mga mukha nila, walang bahid ng pagiging mga liberal na dalaga dahil hanggang ngayon ay bata pa… namimiss ko sila dahil sila ang naging resbak ng character ko nung high school. sila ang mga pinapa-iyak ng barkada kong sila Jenny. Sila ang nagsusumbong sa faculty na may kodigo si Candice, at nagkakalat ng balitang fininger na ganito si ganito—-na nagkataon naman na bestfriend ko…wala silang finormulate na tsismis tungkol sa kin dahil siguro—-ewan…bakit nga ba? ah, dahil siguro alam ko ang darkest secrets nila…Na kumakain sila ng panis na sandwich kaya sila may putok!!!haha

pero yun…ganon…matagal na yun…
sigurado akong ang ilan sa kanila ay gumagawa na ngayon ng nukes para sa mga terorista—-makaganti lang samin.
ganon katindi ang mga utak nila, at ganyan ka-understanding ang puso ko dahil naiintindihan kong naging bangungot nila ang high school dahil sa min.
lax lang ako, bahala na…patay kung patay…hahahahha

isang ala-ala ang ginising sa kin nung lunes…isang memoryang hindi ko na binigyan pa ng pagkakataong pag-isipan dahil akala ko ay tapos na. ayoko ng alalahanin ang high school—-SANA. pero parte yan ng pagtanda ko. yun ang peak ng mga naghahabulang libido namin, kung magiging good citizens ba kami o mananatiling mga pabigat sa lipunan…walang nangyari sa kin, hanggang ngayon. sa reunion ay wala akong maikukuwentong kompanya, anak at asawa…sa mga taon na lumipas, natutunan ko lang ang sining ng pananahimik, pagka-usap sa sarili habang may mga kaibigang nagtatagumpay sa laban ng buhay. natutunan kong maging masaya para sa kanila… at higit sa lahat, natutunan kong maging masaya kasama ang bagong mga paniniwala.

humihingi ako ng dispensa sa mga kabatch kong natisod at nadulas sa makulit na mga power trip ng barkada ko nung high school. Ngayon,aileen (balagoong) bulaong,  at booooom box leilani del rosario—- alam ko na ang kahulugan ng kahihiyan… Dispensa…


NAGPAPA-ALAM NA SA AKIN ANG AKING KUWARTO

September 24, 2005

Bago siya umalis kagabi ay nasabi ko sa kanya na parang nakikita kong mahal siya ng kwarto ko…
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yon.Isang pakiramdam na biglang sumanib sa akin…
Walang paalam, basta na lang pumasok sa isip ko at nasabi na lang ng bibig ko…
Hindi na rin humingi ng dahilan ang pakiramdam na yon, at nung nasabi ko na ay wala lang, nasabi ko na…
Habang nag-iimpake siya ng gamit ay sinabi ko na parang naging parte na siya ng mga pader, na habang nasa loob ako ng kwarto ay tanging siya lang ang naaalala ko. At marahil ay naging kakampi na niya ang kwartong ito; na habang wala siya ay nagiging maliit na mundo ng lungkot at takot. Nakakaramdam ako ng pagtataksil dahil parang hindi ko na kinakayang mag-isa. Ang kwarto kong dati ay akin, ngayon ay naagaw na niya.

Naisip ko na para akong isang ligaw na estranghero sa sarili kong mundo. Kinukupkop na lang ako ng kwarto ko dahil sa awa.Lumayo ang pakiramdam namin sa isa’t-isa. At ngayon ay nakahanap na siya ng bagong tagapag-alaga…

Nasaktan ako sa naging reaksyon ng aking makinilya, na wala nang ibang ginawa kundi ang pag-usapan ay “siya”. Ang radyo kong naimpluwensiyahan na rin ng kanyang himig at musika, ngayon ay ayaw na ring makinig sa sariling boses ko at mga lumang plaka. Ang kama at unan ay tumitigas ‘pag hindi ko siya katabi; bale wala na rin ang kumot laban sa tuyong hangin. Nalulungkot ako sa pagtataksil ng mundo ko sa akin; ng kwarto ko. -Higit sa lahat, sa mga away at lambingan na bumabalik parang nangungulit na multo. Hindi na kuntento ang kwarto ko sa akin, at parang nahihirapan akong pasayahin siya ng mag-isa. Umuupa lang yata ako sa kwarto kong naagaw na niya…


MAY MAGAGANDANG BAGAY PARIN SA’YO

December 16, 2006

Nagpa-alam ako sa sarili ko. ang sabi ko sa kanya, sandali lang ako mawawala… Nagising ako kaninang umaga, malagkit ang mata…Nang dahil siguro sa natuyong luha na alam naman nating nagiging MUTA…May isang pamilyar na mukha sa panaginip ko. Hindi pala pamilyar ngunit—-kilala… hanggang ngayon ay hindi niya alam na siya ang sinusulat ko, ayaw din naman kasi niyang magbasa…hindi ko siya masisi, marami daw kasi siyang ginagawa…Ituloy natin ang kwento ng panaginip ko…may tama siya ng baril dito sa may tagiliran ng tiyan…Dumudugo pero hindi naman parang mamamatay; umiyak ako, at pinili kong umiyak kesa magalit dun sa taong bumaril sa kanya…walang sense? oo nga, wala… Ikaw na laging inaagaw sa kin sa panaginip ikaw na inaagaw sakin kahit sa totoong buhay… magpapa-agaw ka ba? HINDI KITA IBIBIGAY!!!


12
To Tumblr, Love PixelUnion